Saturday, October 3, 2009

HUDCC may relocation sites sa Ondoy victims

Bilang tugon sa pangangailan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dulot ng bagyong Ondoy, nag-aalok ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ng relocation site sa mga apektadong pamilya.

Sa pulong ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa Cainta Municipal Hall kahapon ipinrisinta ni Vice President at HUDCC Chairman Noli ‘Kabayan’ De Castro kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang 1,400 units ng bahay na maaaring okupahan ng mga biktima ni Ondoy.

Ang mga relocation sites sa mga biktima ni bagyong Ondoy nasa Towerville Resettlement Site sa San Jose del Monte, Bulacan na may 400 units; Southville 4 sa Sta. Rosa, Laguna, 250 units; Southville 5 sa Biñan, Laguna, 500 units at Southville 5-A sa Biñan, Laguna na may 250 units.

Abot-kaya para sa mga apektadong pamilya ang proyektong pabahay ng gobyerno dahil sa dalawang taong moratorium na ipinatutupad sa pagbabayad o katumbas ng P200 na buwanang bayad na may 6% interes na maaaring bayaran sa loob ng 30taon, ito ay sa lote lamang.

source: abante-tonite.com